
Martes nuon at syempre nasa skedyul namin eh wala kaming pasok ng tuesday eh nagkataon na finals na namin sa Saturday. Ayun at ang plano tlga eh sa amin ang punta kaya laang ay nag anawnz naman na walang kuryente ng Martes maghapon eh syempre wala ding mapapala kung sa amin. Hahaha...

Kaya ayun at mga madaling araw yata nuon nang mapagplanuhan na kina Julius na nga ang punta kasi duon may kuryente. Eh yung iba naman eh ayaw sa kanilang bahay mag praktis at syempre... ewan ko sa kanila...
Ayun at eh di nakarating dn kami ng matiwasay ruon..Maayus naman duon, Kaya laang ang haab ng byahe, syempre at unang beses q rin laang makakarating ruon kaya sulit naman.. Mga ilang oras lang eh nagpraktis na kami ng aming Play kaya laang eh syempre madami paring mali, haha,, parang pabalik balik laang kami sa scene 1 hanggang 5 eh ang scne ay hanggang 28, haha,, tapos ayun at pinakain kami ruon, Manuk ata yun o baboy parang adobo ang luto. Tapos ayun at nagpraktis nga kaunti at naisipang mamasyal daw sa Lawa duon (kakabit yun ng Taal lake, bale taal lake narin yun,,). Ayun nga at syempre mga nuon laang nakapunta roon, eh di mga excited magpunta roon sa lawa.

Maaliwalas duon, tsaka malawak, ahah, syempre lawa eh, hindi sa ganun yun bang malapad yung dalampasigan kaya laang madaming water lily ruon, Tsaka mejo madumi rin ang lawa. pero mayroon namang part na hindi, pero nakakita kami ng mga naglalangoy roon eh, sa aking naiisip eh are palang duming are eh nalalanguyan rin haha... ang sama ko anu,, ahaha...

Hindi naman gaanu kadumi, madumi laang sa malapit pero pag mejo malayu na eh kitang kita mo naman na malinis...

Syempre palalampasin ba namin na walang piktyur duon? syempre hindi diba? haha... kailangan may mga larawan kami ruon. Buti at dala ko ang camera namin, ahha... eh di ayun sawa sa kaka piktyur...

Masarap tumira sa ganoong lugar, mahangin, maaliwals, yun bang nakakarelaks na kahit walang magawa andun ka laang at nakatambay ka masaya ka na... kaya nga laang eh yun bagang malayu ka sa kabihasnan. malayu sa bayan, talagang kailangan mo ng sasakyan kasi minsan wala nang byahe, haha...

Buti nga ang mga taga ron at matiwasay pang nakakapasok eh layung layu ng tirahan, tapos ay uwian pa at hindi nag bo-board, haha,,, Talagang sipag at tyaga nga laang. Kung hindi magtyatyaga,, walang mararating sa buhay...
No comments:
Post a Comment