Eto ang nangyari sa aming NSTP last feb 7. Nagbayad kami upang makabili ng mga puno. Ayun a nuon nga namin itinanim. Kaya lang ang daming naging problema. haha,, eh di kanya kanyang kuha ng puno.. iba yung sa babae iba dn yung sa lalaki. Nung magtatnim na eh di pinangalanan na namin ang aming puno, syempre baka mawala, haha...

Noong aktong itatanim na eh ang kasabi-sabi baga ay palit daw ng puno ayung ibang lalaki sa puno ng mga babae. Eh yung iba eh naitanim na nila ang kanila kasi walang problema. Eh kami ang nagka problema ayun at nagpalitan na ng puno.. hahaha.. Eh ayun pala eh kakaunti pa rin pala ang may mga hukay na pag susuotan ng puno. Eh di hagilapan kung saan may butas.. hahahaa

Eh di ayun at lusong kami ruon sa malapit sa agbang (agbang eh yung part na daan ng baha pag naulan, malalim ayun ay pwede kang mamatay pag nahulog).

Eh di ayun nga at lumusong kami ruon sa pag-aakalang makakapag tanim pa at may mga hukay pa daw duon. Ala at nang makarating kami anim laang yata ang hukay eh di kami eh, taas na ulet, naputikan laang kami.

Hindi parin kami sumuko, eh di hanap parin kami ng hukay ala nang pinagtapusan eh, wala din kaming nakita. napagod laang sa pag akyat baba ng agbang.. hahaha....

Eh di dahil sa kami naman ay hindi makakapag tanim eh di ayun at isinauli ulit namin sa aming kinunan ang puno... ka bigat-bigat pamandin ng punong yaon.. hay, eh di walang nangyari, naputikan laang ang sapatos.. haha, pero ayus din at syempre masayang karanasan yun kasi agbang yun. Yun bang tipong ang iniisip ko dun eh, malay mo yung isa na nagtatanim eh mahulog sa agbang eh di event na yun, ahaha...joke laang ha... di ako ganun,,, haha... kahit hindi ko o namin na na experience na makapagtanim eh nakahawak naman kami ng itatanim na puno, diba?.. ahahahaha... Astig ang Tree planting....
No comments:
Post a Comment