
Hay, malungkot din pala ang mga pinagdaanan ni Mam oh noon. parang kung titingnan mo siya bilang isang guro, napakasaya nya ngunit sa kabila pala nito ay may nakatagong lungkot sa kanyang bawat ngiti. Huwebes noon, ika-12 ng Pebrero taong 2009. nagkaklase kami ng Data stractures tungkol sa trees. nagkwento sya sa amin kung saan sa tsinelas nag-umpisa ang lahat. Kasi naman napapunta yata yun kay Korina eh diba namimigay yun ng tsinelas,, teka baka mapalyo eh nevermind na si Korina... Naalala nya ang lahat noong kanyang kabataan. siya daw ang bunso sa kanilang magkakapatid. nagmula siya sa isang mahirap na pamilya ngunit may maipagmamalaking talino sapagkat iyon na lamang ang tanging mag-aahon sa kanila sa kahirapan. naikwento nya sa amin ang buhay niya bilang isang estudyante na, sa kadahilanang siya ay bunso ay parang lahat ng bagay na napapapunta sa kanya ay nagamit na ng kanyang mga kapatid. dahil nga raw sa kahirapan ay hindi siya magawang maibili ng kahit isang pares ng sapatos. nai kwento nya na noong high school daw sya ay nilalakad niya ang mejo malayo-layung daan mula sa kanyang paaralan (BSU) upang makatipid lamang ng pamasahe. habang naglalakad siya ay ngumingiti ang kanyang sapatos hanggang sa lumaylay ng ng tuluyan ito. Isang nakakalungkot na pangyayari sa kanyang buhay. Isang araw sa buhay niya noong high shool ay nabigyan siya ng pagkakataong maibili ng bagong sapatos, isang sapatos na itim na de sintas na preparasyon daw para sa kanyang pagiging CAT sa ikaapat na taon. Nakakalungkot kasi dahil nga sa kanyang mga pinag daanan. ni kahit daw uni4rm nya ng CAT nuon ay hindi siya naibili. Dahil nga sa doon rin nagtapos ang kanyang mga kapatid ang uniporme ng kayang kapatid na lalaki sa CAT ang kanyang isinuot. kung tutuusin mas malaki ito kesa sa kanya subalit wala siyang magagawa kunghindi ang isuot ang damit na ito kaysa hindi siya makpasok. Napaiyak sya habang nagkukuwento sa amin, marahil ay sa kadahilanang iba na ang buhay na kanyang nararanasan ngayon. Siguro ay naikukumpara nya ang buhay nya noon sa buhay ngayon. Sa dami ng kanyang napagdaanang hirap at sakripisyo ay nanatiling buhay sa kanyang isipan ang kanyang mga pangarap. Nagsikap siyang maabaot ito. Dahil daw sa siya ay mejo mahina ang katawan at hindi kaya ang mga gawaing mabibigat ay nagsikap siyang makatapos sa pamamagitan ng scholarship. Noong siya ay nasa kolehiyo ay nagsikap siya at nakakuha ng scholarship. Computer science ang kanyang kinuhang kurso. dahil sa masyadong mataas na requirement ng scholarship, hindi nya nakayang mai-maintain ang kanyang mga marka. kung tutuusin ay napakataas naman ng kailanganng makuha. Naiwala nya ang kanyang scholarship subalit hindi sya iniwan ng Panginoon, dahil sa kanyang positibong pananaw, siya ay isa sa bukod tangi sa dalawang napili upang pag-aralin ng PTA. at dahil dito ay talagang nagsikap siya ng husto hanggang sa siya ay maktapos. Ang lungkot ngunit kitang kita mo ang nagagawa ng marunong magsikap sa buhay. Dahil sa kanyang mga nakakalungkot na karanasan ay iyon ang naging inspirasyon niya upang magsikap at makaahon sa kahirapan. "kaya kayo, mag-aral kayo habang may nagpapaaral pa sa inyo", ang sabi nya sa amin. Nais niyang marating din namin ang aming minimithi at matuto mula sa kanyang karanasan sa buhay upang kami rin ay guminhawa sa huli. Isa siyang huwarang guro para sa amin. Salamin siya ng isang matatag at may pangarap na guro. Isa siyang inspirasyon para sa amin. Hindi mo makikita sa kanyang mukha na siya ay nakasimangot at may lungkot. Palagi siyang nakangiti na nimo'y walang problema, ngunit sa loob pala ay nagpupuyos ang lungkot. Dahil ayon sa kanyang pananaw kung iiyakan mo ang mga malulungkot na bagay, walang magyayari sau. sa halip ay ngumiti na lamang at magbahagi ng saya sa iba...
No comments:
Post a Comment