
nice article from this site
http://wlangmaisip.blogspot.com/2007/07/pisong-babalik.html
"Ay, kuya, wala po akong barya", sabi ng tricycle driver, "sa susunod na lang ho."
"O sige", sabi ko, ngunit alam ko nang hindi niya babalik ang aking piso.
Sa araw na mga dumaan, Hinahanap ko ang mamang ito. Siyempre, hindi ko na siya natiyambahan. Isip ko agad, "Oo, hindi na nga babalik ang piso ko."
Sa mga araw pang nakaraan, unti-unti ko nang nalimutan ang pisong utang. Tutal, bumibigat na rin ang aking wallet sa mga pisong barya.
Isang araw, nang umuwi akong ginagabi na, sabi ko sa sarili ko, "Hala, paano na 'yan, gabi na nga talaga ako uuwi."
Ngunit, sa bangketa sa kabilang banda ng kalsada bago ako tumawid, may tricycle na tila nakaparada. Sa aking pagtawid, inakala ko na isa siyang 'di pamilyar na mukha, isa na namang bagong tricycle driver. Nasip ko na naman ang aking piso.
Nang pagsakay ko sa kanyang sidecar, agaran kaming umalis papunta sa itinakda kong lugar. "West", sabi ko, pero hindi ko sinabi ang numero ng bahay ko. Nang papunta na kami sa bahay ko, dahan-dahan niyang minaneho ang kanyang sasakyan patungo sa harap mismo ng bahay ko.
"Bakit kaya?", inisip ko, "siguro nalimutan ko lang ang mukha niya".
Nagbayad ako ng 5 na sobra ng piso sa bayad (4 lang kasi ang pamasaheng kailangan). Isinukli niya sa akin ay dalawang piso.
"Kuya…"
Bago pa ako magpatuloy ay sinabi niya sa akin...
"'Di ba may utang pa ako sa iyong piso?”
No comments:
Post a Comment